image


Tuesday, May 29, 2007--- ♥1:52 PM
BOOO!!! YOU WHORE!!!



BTW, First things first! It's my Dad's 11th Death Anniv today. Just please include him in your prayers tonight. Thanks soo much!! :)
I really miss him.. :(
*
So yun nga, we attended mass for him kaninang umaga. But before leaving the house, nagkaron na naman kami ng episode ng nanay ko! Pano ba naman kasi pati damit ko pinapakialaman! Eh diba mainit na nga ngayon, so nag bermuda shorts lang ako. Nagagalit siya kasi mashado daw maikli yun para sa simbahan.. Hindi daw appropriate..
Oo nga, above the knee siya pero hindi naman siya pekpek shorts length noh! Atsaka, maayos naman yung top ko, yung alam mo yun, hindi naman nakakabastos yung itsura ko so hindi ko talaga ma gets kung bakit pa niya papapalitan yun sakin. Lahat kasi ng issue pinapalaki niya eh. Kung si God nga walang nilagay na dress code para sa simbahan niya eh. Tapos yung nanay ko dinaig pa siya. Tss. Kainis talaga! So dahil ayaw ko nga magpalit, nagsigawan kami! Nagalit siya tapos pinalo pa niya yung bibig ko kasi daw sumasagot nako. Tss. Eh kung sa tingin ko tama ako eh, bakit hindi ako sasagot. So after mga 30 mins siguro, pinalitan ko narin yung suot ko ng pants. Para matigil nalang. Ka bad vibes talaga nanay ko!
*
OH, super delayed na pala to!! Pero, TRICIA & ANGIE tagged me!! Yey! Sorry na, less than 3 months palang kasi ako nagbblog eh na excite lang ako kasi first time ko palang ma tag eh!! Haha. Sorry na ah!! :P
RULES:
People who get tagged need to write a blog post of their own with 6 weird things, as well as state the rules clearly. In the end, you need to choose 6 people to be tagged and list their names. Don’t forget to leave a comment that says "you are tagged" in their comments and tell them to read your blog post.
6 weird things about me:
  1. Nung bata pa ko, nagkaka crush ako sa mga cartoon characters! Feeling ko kasi talaga totoo sila eh... Nakikipag agawan pako sa mga classmates ko nun kunwari crush din nila yun. Yung mga naaalala kong naging crush ko sila Johnny Bravo, Arnold of Hey Arnols tsaka si Dexter sa Dexter's Lab. Tapos pag dun sa cartoon show nila, pag may mga crush sila or girlfriend, naaasar ako dun sa babae! Hehe. Ewan ko ba!
  2. Kung yung mga mahihilig sa shoes ang tawag sa kanila "Imeldific", ako naman "BAG-dific." Haha, o basta kung anong tawag sa taong mahilig sa bags! Ewan ko din kung bakit basta I LOVE BAGS!! Nung sa bahay namin sa Phil, pinuno ko yung 2 closet sa kwarto ng puro bags lang, tapos hindi pa kasama dun closet yung mga ibang bag na ginagamit ko araw araw tsaka yung mga nakakalat sa kwarto ko. Basta collection ko talaga sila! Natutuwa ako pag may bago kong bag! Sad nga lang kasi nung pumunta nako dito, hindi ko naman sila pwedeng madala lahat diba, kaya pinamigay ko nalang sa iba kong classmates & friends yung iba, tapos sa cousins and tita's ko naman yung iba. Hay...
  3. Never kong nagustuhan yung Lord of The Rings! Hindi ko magets yung story tsaka for me ha, ang boring nung film!! Sobrang tagal! Isa lang ang pinanood ko dun, yung first lang pero nakatulog lang ako. Kaya yung nagkaron ulit ng II and III, kahit pa sabihing blockbuster sila, hindi nako nanood! Ang pangit pa nung Golum, mukhang si E.T eh!!!
  4. Frustrated Cheerleader, Ballerina, Pianist, Dancer, Swimmer and Singer ako! Nung bata pako pinag Piano, Swimming, Ballet and Singing lessons ako nila Mommy(siyempre hindi sabay sabay no.. every year yan during summer) pero walang nangyari. Hindi ko pa kasi naaappreciate yung mga skills na yun nun eh.. Sayang talaga diba!!
  5. Ay, ito, hinding hindi ako umaalis ng bahay ng walang "blush" yung cheeks ko!!! Hehe.. Maarte na kung maarte pero ayoko lang nakikita nung mga tao na mukha akong anemic. Pag wala kasi, wala talagang kulay yung mukha ko eh. Hehe...
  6. Ito weird to! Pag sa mass, pag kakanta na ng "Our Father", diba maghahawak na yung kamay, yung kamay ko laging lumalamig... Ewan ko kung bakit basta laging ganun.. Kung hindi naman lumalamig, nagpapawis... Hehe.. Minsan minsan hindi siya nagaganun lalo na nung dumating nako dito kasi dito hindi sila naghohold hands sa Our Father, pero nung nasa Phil pako, palagi talaga!! Hehe.. Kadiri no? :)

And with that, I tag.... Laine, Jake, Janna, Shang, Carlo and Cabuts! Yey!! :P

*

Isa paaaaa...:)

Use the 1st letter of your name toanswer each of the following...TheyMUST be real places, names,things...NOTHING made up! If you can'tthink of anything, skip it. Try to usedifferent answers if the person infront of you had the same 1stinitial.And remember - you CAN'T use your namefor the boy/girl name question.

  • Your Name: Nadine. :)
  • Famous Artist/Band/Musician: NEYO!!! :P
  • A song: Need to be next to you.. ^_^
  • 4 letter word: neck, numb, noun??? haha!! ewan!!
  • Color: NEON colors!!! Yeah!!
  • Animal: AY EWAN!!! LAGI AKONG TALO SA P.A.N.T.S pag sa animal na N eh!! GRR!!
  • TV Show: Ned's Declassified School Survival Guide!! Haha!! Ang nene ko!!! :P
  • Country: Netherlands!! :)
  • Boy Name: Nikko
  • Girl Name: Nikka!! Haha.. :P
  • Occupation: NURSE!!!! Yes oh yes.... Bagay!!
  • Celebrity: NADINE SAMONTE, Oh Cmon!!!! :P
  • Food: nilaga???.. haha..
  • Something found in your kitchen: NEST!!! OO may nest kami sa kitchen bakit ba!! Haha. Doi!!
  • Reason for Being Late: NATATAe... Haha.. Reason yan ah!!! :P

GROOL!!!:)





Image Hosting by Picoodle.com
|

Monday, May 28, 2007--- ♥1:24 PM
SO FETCH!



Well, I’m really typing this Today (Offline: May 29, 2007), but since my entry is gonna be about the things that happened yesterday, I might as well just change the date, right? :D


So yeah, as I’ve mentioned before, it’s Memorial Day here today!!

OYE!!! HOLIDAY!! :P

Our morning started with this situation though: My Tita asked us if we wanted to come with them to Atlantic City cause they were told that there are gonna be Filipino artists performing. So of course we wanted to see our artistas, diba! But after a couple of minutes, my Tita called again and told us that the only Filipino artist performing is Ara Mina lang pala (uy, no offense sa mga fans ni Ara jan ha!). So we decided to just go to where we originally planned to go and that is in Coney Island! Yey!!!

Well, we actually didn’t go in Coney Island (theme park). Rather we went at Brighton Beach. But, it’s like this kasi, Coney Island is connected to Brighton Beach, so we still saw Coney Island, but only from afar (well all I could see were the rides!).

See for yourself!!!



Perfect weather + Nice place = Wish that it was Earl whom I was with. :(


Sorry ang gulo, pause pause kasi yan eh!! Iba iba pa yung humahawak nung cam… Did you see me?? Haha!! Hanapin niyo ko!!






Pauwi na...






Sorry for my ugly voice!! Haha, pero it’s cute no? The way the guy was sunbathing through his window!! Haha, I guess he was just too timid to go out… :)


We ate lunch there!!! So ang shushal diba, lunch by the beach. :P Haha! The food was great!!! Sobra! SARAP SARAP!!! We literally pigged out! We were so full afterwards though! So full that hindi na kami kumain ng dinner nung gabi! Haha! :D

After the beach, we went at Lord & Taylor’s (it’s like Rustans’.) to SHOP, SHOP, SHOP!!!

Bummer though, so many SALEs, so LITTLE time (and MONEY too)!!! Haha!

I only bought 1 shirt…

Buttttt,


My mom bought me THIS BAG!!!! AYLAVEEETT!!!! Ang mahal nga lang, it’s price is almost the same as the Tokidoki bags (Le Sportsac Bags which I also LOVE!!!). I wanted to get the Tokidoki bags too but I think this is much nicer! Looks more chic! Tokidoki prints kasi are mukang pambata diba, (BUT CUTE!).

So yeah, my Mom was the one who reallyyyy shopped! Andaming binili grabe! Tapos nung pauwi na kami, reklamo naman ng reklamo! Haha. :P

*Off to do another entry.. :)





Image Hosting by Picoodle.com
|

Saturday, May 26, 2007--- ♥2:06 PM
Coming Soon...



UNDER
CONSTRUCTION!!!
Eeekkk!!!
Slash That!!
I'm already done (with the new layout, that is).
That will do... for now.. :)
Well, comments naman... Okay lang ba? :D
OH, some updates:
1. The dinner went well. It wasn't as bad as I expected it would be. Although it still sucks that I wasn't able to go bowling with the others, atleast my intestines were happy... :D
2. Monday is Memorial Day here. HOLIDAY!! Yey!! We're planning to go at Coney Islands'. I don't exactly know what I'll see there, but they told me that there's gonna be some beaches and some theme parks there... We'll see!! I'll post some pictures after!! :D
3. Since there's gonna be a holiday coming up, all stores are going on a SALE!!! YEHEEYYY!!! Time to swipe some credit cards again!! :D
4. It is really getting HOT IN HERRRRE!!!! I'm not liking it anymore!! Sheesh!! :S
PLUS: Girls (and guys as well), advice lang! Pag daw bibili kayo ng bagong undies (panties, bras, briefs) or bagong clothes, ALWAYS ALWAYS ALWAYS WASH THEM FIRST!!! Kahit branded pa yang mga yan, i-wash niyo parin daw! Meron kasing kumakalat na article na meron daw girl na "binahayan" ng maggots yung breast niya (specifically in the nipple area). Kadiri talaga yung itsura, hindi ko kayang i-post yung pic here eh kasi nandidiri talaga ako, pero if you wanna see it, i-search niyo nalang. Mas better pa pala if you iron the part of the underwear where us girls put our napkins. Gets niyo kung saan? Para daw mapatay lahat organisms or germs na nandun. Eeekkk!! Natakot talaga ko dito kasi although ginagawa ko yun sa mga undies na bagong bili ko, hindi ko siya ginagawa sa mga clothes eh! Yung minsan sinusuot ko na agad yung mga damit kahit bagong bili palang, hindi pala dapat ganun. So be aware people!! :)




Image Hosting by Picoodle.com
|

Thursday, May 24, 2007--- ♥4:41 PM
J.T.. :D



And no that's not for Justin Timberlake ah! :P

Rather it's...

Juan.Tamad.

Haha... Katamaran is really kicking into my system!!
I have no idea why but I've lost interest in writing! Haha..

Maybe I should change my layout because a friend (Tricia.Ü) of mine said that, "mas gaganahan daw ako magsulat pag bagong layout.."

Hehe, so I'm gonna try to do that.. But then the problem is natatamad nga ako! Haha.. :D

But, I will do that... soon hopefully.. :D

Hehe..


So here's the thing:
Last week my Mom and I were invited by her "suitor"(ewww!!) to join him for dinner tomorrow at a Thai Resto. The problem is, earlier this week, my friend, Marge, also asked me to come with them to bowl.
So, bowling with people my age (plus meeting some of Marge's friends as well!!) vs. being stuck with two lovey-dovey oldies???
Hmm... No questions right?!?
But then mother dearest surely will always have the last say in this. And when she says,
"Hindi pwede, kasi gusto kong makilala mo siyang mabuti!"....
Then I have no choice..

Hay mother talaga!! Sometimes, I love you but sometimes I just wanna strangle you...
Haha, joke lang!! :P

Toodles!!
XOXO




Image Hosting by Picoodle.com
|

Monday, May 21, 2007--- ♥5:05 PM
BATHROOM sitting.



Eeek! Sorry for the late update! Haha, I've been feeling weak all day kasi eh... Cause I'm sick. :(



What's my sakit, you ask?


Haha, Secret!

Kakahiya eh!


Clue?


Hmm.. Sige ito nalang...



It starts with an L, and ends with an M.. :)



Alam na?




Haha, kung di niyo pa mahulaan yan eh, ewan ko nalang!


Nakakaasar lang kasi pag may L_M ka! Parang tumitigil yung mundo mo kasi wala kanang ibang ginawa kundi mgpabalik balik dun sa "room na nagcocomfort". Hehe.


Oohkay, enough na! Too much info na ba? Haha. :D



*
Anyways, back to business (this post isn't for my "sakit"!). Here's what happened in Philly! Yey! :D

  • My 1st time to go to a different state ALONE. It was fun! New experience! Rode a train for about 2 hours... and the train that I'm referring to here isn't like the subways(here in NY) or the MRT's and LRT's that we have in the Phil.. They're more like the ones in the Harry Potter films--minus the cabins. Yeah, it's nice! Basta yun!

Nice no? Parang sa plane...

  • So I arrived there (Lunchtime) and then we ordered food to go at a Chinese place. Chika, Chika, Chika... Then sa house na nila Mary... Eek!! Ganda ng house nila!! Sooper clean talaga, tapos may view pa ng mga trees sa labas... tapos yung neighborhood sobrang tahimik... basta ang ganda, sobrang peaceful hindi katulad ng view dito samin na puro ingay.. Haha.. :P Basta, iba talagang city life sa suburb life dito...

View yan dito samin ha (nung winter pa)... wala kasi akong pic nung kayla Mary eh.. Hehe.. Basta i-imagine niyo nalang.. :D

  • So yun, buong hapon nagstay lang kami sa room. Kwentuhan tapos internet. Tapos alam nio ba may documentary kaming napanood about 9/11. Ang galing! Basta ito nalang, HINDI TOTOONG SILA OSAMA OR YUNG AL-QUEDA(spell?) YUNG MAY KASALANAN! CONSPIRACY LANG NI BUSH YUN!! PROMISE, TOTOO! MADAMING PROOF!!! TRY NIO NALANG I-SEARCH KASI DI KO ALAM YUNG SITE EH!!!!
  • Dinner time: We ate out! Yey! Sa Uno's (pizzeria) with Mary's Sis, Bro and Bro-in-Law. Yey! Sarap! I had Chicken Parm. Yum! Sobrang laki nga lang talaga ng serving kaya hindi ko nakaya!! Haha. Tapos yung dessert.. Yum!!! Imagine nio nalang din, cookie yung base nia tapos may ice cream ang whipped cream sa ibabaw... Basta yun!! Haha.. :P



  • Next day naman we went at the mall. Tapos yun, shopping!! Hehe. Tapos after nun pag-uwi namin, pumunta yung nieces ni Mary... Ang cuuuute nila sooper!!! Watch this!












Bring It On Philadelphia Version.. :D
Haha, kukulit nila sooper!! Pero ang cute-cute!! Ang sweet sweet pa!! Haha. :P Nakakatuwa mga bata ngaun, pero sooper spoiled sa mga techie stuff!! Alam nio ba yung Webkinz.com, parang tamagotchi pero sa net nga lang.. Meron sila nun.. Yun ang latest craze ata ng mga kids dito.. Tapos meron pa silang mga cellphone! Imagine, Grades 3 & 4 palang yun ah!! E nung ka age ko sila, ni beeper nga wala ako eh.. Grabe talaga!! Haha..:D Tapos si Kath, yun phone bill niya umabot na ata ng $100 dahil sa texts (mas mahal kasi ang charge per text dito kaysa calls eh). Haha.. Basta yun, pero nakakatuwa sila! Parang cartoons!! :P

  • After namin magdinner, nag Y!M kami, tapos un... Naka chat namin mga ibang friends namin sa Phil!! Ang saya!! With webcam pa!! Nakakatuwa kasi first time ko lang makipagchat ng may webcam!! Haha!! Namiss ko tuloy lalo.. :D And later on, we learned na paalis na pala si Camille papunta dito!! Yey!! For vacation lang naman pero sana magkita kita kami!!! Si Mary naman yung pupunta dito sa place namin!! Yey!

    Old School Pics: Nene days!!! I MISS THEM!! :D

  • Haha.. So yun nga, YEY!! Atlast, nagkita na kami ni Mary.. Kaso wala akong pics eh!!!! Nakay Mary yung pics nung sa room niya! Sayang nga eh. Eto nalang, pics of my newly painted nails.. :P

YEY! Gotta go.. Nature's calling... Whoops... :D

.XOXO.





Image Hosting by Picoodle.com
|

I MISSED THIS!!! :D



I'M BACK!

YEY!! Hehe.. :D

But, I'm too tired (translation: TAMAD LANG) to make kwento pa.

Tomorrow nalang ang chikkas!! :D

Goodnight, World! :P




Image Hosting by Picoodle.com
|

Thursday, May 17, 2007--- ♥1:02 PM
ON BLOG LEAVE...:D



for 3 days lang naman... :D
(Will go to Philadelphia to meet up with Mary, YEY!!)
Fast Updates:
  • Sunday- "Suicidal tendencies"... Haha.. :D (Inside joke, right Piggy? :P ) To cut the story short, okay na kami... Hehe.. Happy-happy na ulit!! :P
  • Nag elections na pala sa Phil! Sayang naman, hindi ako nakaboto!!! Grr!! Tagal ko kayang hinintay yun time na yun nung bata pa ko.. Oh Well...
  • Bought tickets for Philly!!! Yey!! :P
  • Went at Manhattan Mall again.. Haha.. Shit, dami ko na naman nagastos. Binigay kasi sakin ni Mommy yung credit card nia eh. Yan tuloy, di ko na naman napigilan sarili ko! :D
  • Witnessed a pambabastos... :(
  • Became a victim of pambabastos... GRR!! :(
  • Will have Mani-Pedi later... Yey!! :D
  • Will do last minute packing.. :P Excited... :D Yipee!!
  • Will be back on Sunday... :)

Thought for the day:

Diba, bakit ganun, pag kausap mo SIYA, parang ang bilis bilis ng oras? Hindi mo namamalayan, ubos na pala yung card mo pantawag. Haha.. :P

Hay, pag-ibig... :D

.xoxo.





Image Hosting by Picoodle.com
|

Saturday, May 12, 2007--- ♥4:28 PM
NAKAKAINIS LANG KASI...



NOTE: Hindi ko namang nirerequire na basahin niyo to... Kung gusto niyo lang naman.. Sorry kung "emo", pero blog ko naman to eh...
Tagalog na to.. Mas masarap mag express ng feelings pag tagalog eh.. Kung ndi nio maintindihan, ipa-translate sa babelfish.com tong entry na to... Intiendes?


Nakakasawa din naman kasi na halos 3 months ng text lang ng text yung means of communication natin (it's been 3months since I left the Phil). OO nga, sige, minsan minsan na may usap sa phone... Pero yung mga minsan pa na yun sobrang iikli lang... Swerte na kung umabot ng 1 hour yung usap kasi nga mahal. Wala naman akong magagawa kasi hindi naman ako yung nagbabayad ng bills, ayoko rin namang magdagdag pa sa gastos since alam kong marami ngang binabayaran these past few months... So eto, tiis lang na text nalang, atleast merong communication diba?


Pero hindi eh.. Nakakasama lang ng loob kasi lately parang kahit sa text wala kanang ganang makipag usap... Naiintindihan ko nasa work ka nun, bawal nga naman. Pero alam mo yung laging paulit ulit nalang ng pagtatanong mo sakin kung "kumain nako", "anong inulam ko", etc.. parang wala ng sense eh, na parang tinatanong mo nalang yun kasi mandatory nga naman na alamin mo kung kumain na ba yung girlfriend mo... Pero minsan din naiisip ko na kaya yun lang yung lagi mong tinatanong kasi wala na..wala kanang ibang matanong sakin... Na para lang magtuloy tuloy yung communication, kahit ano nalang tatanungin mo kahit hindi mo naman talaga kailangan malaman yung sagot dun. :(


Nung Monday na sinabi ko sayong feeling ko nagkaka insomnia nako kasi nga sobrang madaling araw nako nakakatulog every night parang, "okay, wala lang" sayo... Imbes na pagusapan natin yung TAYO, mas gusto mo pang ikwento sakin kung anong nangyayari ngayon kay Ethel Booba dahil sa mga issues ekek jan... Ano namang pake ko dun dba? Diba nakakawalang gana narin makipag usap pag alam mo namang parang walang gana rin makipagusap sayo yung tao... Tapos pag ako ng walang gana makipagusap, magagalit ka! Tss... Na kahit ang tagal tagal ko ng naghihintay ng kahit isang text lang, wala na. Eh ni hindi ko nga naintindihan kung bakit ka nagalit nung sinabi kong, "kawawa ka naman", eh wala naman akong ibang ibig sabihin dun. Naaawa na nga ko sayong maysakit ka na tapos ako pang masama? Ang labo naman yata nun.

Tinext ko na pati kapatid mo, lahat na ng means para lang makarating yung msg saung "sorry na", nagtry akong gawin pero wala parin. Tapos kinabukasan sasabihin mo lang, "nasa byahe nako papuntang work", tapos i-eexpect mo na ok na agad lahat? Na parang wala nalang nangyari kahapon? Ang unfair naman yata nun diba?


Lately rin pag hindi nako nakakareply sa mga messages mo, hindi kanarin mgttxt. Bakit? Naka unli ka naman ah.. Kung ako lang naka unli at hindi computer yung ginagamit kong pangtxt, kahit every hour, asahan mo, may matatangap kang msg from me eh.. Eh kaso hindi nga ganun yung situation eh. Wala sakin yung advantage eh, nasayo.


Weekends na. Chat time dapat. Pero wala rin. Ayaw mo kong tumawag sayo, kahit sinabi ko na ngang may way na para makatawag ako ng cheap sa inyo. Gusto ko lang naman marining kahit boses mo lang, kasi alam ko mag 1 month narin tayong di nakakapagusap sa phone, pero sabi mo next time nalang. Bakit ayaw mo bang makausap na ko? Pero sige, kung ano man yang reason mo, iintindihin ko nalang.


Sinabi ko mag iipon ako para mapadalhan kita ng comics para sa collection mo. Eh gusto kong gawin yun para sayo eh. Pero ayaw mo parin, "wag na kong kokontra", sabi mo. Ano ba yan? Wala na ba kong gagawin na magiging tama sayo? Yun na nga lang yung way na naisip ko para mapafeel ko naman yung love ko sayo kasi nga malayo tayo sa isa't isa pero parang bakit ayaw mo namang mapakita ko yun sayo?


Ang hirap na nga ng ganito tayo tapos parang nafi-feel ko pang wala na tong pupuntahan. Sabi mo kumapit lang ako. Kumakapit naman ako eh, pero bakit parang gusto mo ng bumitaw? :(


Alam ko may mga ginagawa karin naman para sa "relationship" nato.. May mga sacrifices karin naman. Sa lahat ng puyat mo, sa pagpunta punta mo sa mga internet shops pag sira yung sa bahay ninyo, etc... Hindi ko namang sinasabing ubusin mo yung pera mo sakin sa pagbili ng pagbili palagi ng mga callcards kasi alam ko naman yung responsibility mo sa family mo eh. Hindi ko din namang hinihingi na minu-minuto magtext ka sakin dahil hindi din naman talaga possible yun eh. Pero sana kung unfair man ako sa tingin mo, isipin mo din naman yung mga ginagawa kong effort para satin.


Akong nagpa roaming para hindi mahal sayo yung pagtext... I try na padalhan ka ng mail kahit every month lang... Numerous compositions ng poems + long letters + kung ano ano pang sweet ekeks ang iniisip kong gawin para may mabigay lang sayo every monthsary or kung kaka away lang natin... Hindi na nga ko umaalis lagi sa bahay dahil alam kong sa computer lang naman ako pwedeng makareply sa txts mo... Hindi naman ako nanunumbat. Alam ko, ako naman yung umalis eh, ako naman yung nagpakalayo kaya dapat nga naman siguro, ako yung mas mag effort para satin. Pero alam mo naman yun diba? Kung pwede namang hindi nalang ako aalis, ciempre hindi naman talaga diba? Kung may choice lang ako diba, kaso wala talaga eh.


Ang hirap lang kasi eh.. Ang hirap talaga... ='(


Nakakamiss lang yung dating tayo.. :'(





Image Hosting by Picoodle.com
|

Naming names...:D



SPOT THE DIFFERENCE, DIBA?? :D





THANKS FOR THE EDITS, CHELLY!!!! :D



Sabi ni Red, kamuka ko daw si Hilary Duff! Diba, Red? Oo ka nalang... :D
(LAKI MATA!! - Di na ko chinita, Eman! Haha)
Haha... This is kyoooot... I just got this from another blog.... :D

If you call me _____, you must probably be _____:

  • "Nadine"- You're someone I just met or you were probably my classmate back in CSA.

  • "Nadz/s"- We're close but hindi mo pa alam na I hate being called as Nadz/s. Haha. :D (ngayon alam mo na ha, kaya tigilan na ha!!! LOL)

  • "Nadzie"- You're my college friend or blockmate.. :D

  • "Nadine Kristel"- You're one of my relatives and you only call me this pag dumadating sila Ate Nadine, ( my cousin-we have the same name!)

  • "NADINE" or "ikaw babae ka"- You're my mom when she's mad at me... :D

  • "Nadine pronounced as Neydeeeen"- You have an American accent which is probably because you were born/raised here!!! :D

  • "Nadinesky/Nadinetot"- We are friends and we're close!!!!!

  • "Kristel"- You're definitely my "hellokitty"!!!! :D

  • "ARRAIZA"- You're one of my classmates in 7B or in 1E... Or you're probably my CSA teacher taking the class attendance. :P

  • "B/Piglet/Nerd/Lola/Lahat na ng pambobola"- You are EARL, the loving boyfriend!!! I ♥ YOU!!!

  • "HunnyBunny"- You're my mom when we're not fighting...

  • "Baby/Piggy"- You're my ka-BEDO's CLAN.. :D

  • "ChiChi"- You're Eman, my Crinkles! :P

  • "Nina"- You're my ka-PBB barkada in college!! Haha...

  • "Loveteam/Yema"- You are Migs, aka, Bam!!! :P

  • "Loka"- You are Fae Loka!!! :P

  • "Dear"- You're either Fae, Jhegie, Kyle, Red, Eman, Migs or Jerome...

  • "something obscene"- You are NONO or NORRIS!!!!! Hahahaha!!! :P

  • "Ganda"- You're my Tita Jackie.. :P

  • "Din"- You're my Tita Lizzie or basta ka-family kita and I LOVE YOU!!! :)

  • "Ate Nadine"- You're one of my cousins or my busmates!!.. :D

  • "Damie"- You're my Tito Bong.. :P

  • "Mami"- You're Kath, my anak! :D

  • "Sexy, hot, angel"- You saw me for the first time and you couldn't think of anything but those 3 adjectives to describe me...*woot woot* LOL!!! Joke Lang!! :D

  • "Nadine Samonte"- Gusto mong magpatawa pero sa totoo lang, ilang beses ko na yang narinig at hindi na ko natatawa! At isa pa, mas nauna kong pinanganak kay Nadine Samonte, so siya ang nanggaya sakin at hindi ako!!! Heehee.. :P

  • "Ms. Nadine"- Nagpapakilala ka sakin, pero weird ang tingin ko sayo...

Hmmm... Ano pa ba? Basta, will update this pag naisip ko pa yung iba.. Haha.. Fun diba? Try nio rin!!!! :D





Image Hosting by Picoodle.com
|

Tuesday, May 8, 2007--- ♥1:00 PM
Check This Out...



http://www.secret-loves.com/index.php?test=692626
That's all... Still have to go to Queens Mall after this!
This is my shortest post so far!
Haha.. :P See yah!
xoxo




Image Hosting by Picoodle.com
|

Sunday, May 6, 2007--- ♥6:42 PM
Mother's Day Tribute..I Guess?????



*****

You know how sometimes you get irritated with someone even if there's really no concrete reason to feel that way because the person hasn't done anything mean to you? Anyways, I'm like that with my, gulp, mom.

It's sad, right?

I can't help it though, sometimes, even just hearing her voice over the phone makes me wanna go scream at her and bang the phone on her ears!

I dunno why!

It's not that I hate her, infact, I really love her and I'm thankful for everything she has done for me... for putting up with me even after me doing things that made her feel bad.. for all the patience, love and understanding she has given, and is continually giving me... for simply being an epitome of a good - no, a Great Mom.

So why does my blood boil considering all those things?

Maybe it's because after having been seperated from her for almost 3 years, (I lived with my grandparents at our house in the Phil while she was working here), I guess I just kinda forgot what it felt like to have her around again. Yung maging "anak" ka ulit after trying--learning and BEING independent already.

(It wouldn't hurt too if she could just stop screaming practically everything she wants me to do like, "PATAYIN MO YUNG KANDILA, BAKA MAKALIMUTAN MO NA NAMAN!" or "GAMITIN MO NAMAN YUNG MATA MO, MAGLINIS KA NAMAN, WALA KA NAMANG GINAGAWA EH!"... Geez!! I can still hear you without you needing to raise your voice like that, you know! It's not like I'm deaf, Mom!!!

Oops, Outrage! :P

*****

Waah!

It's been a week since my last post! I'm toooo lazy to list down everything I did these past days and so I'm just gonna go do the "bulleted style"
  • Monday & Tuesday @ Manhattan Mall. Shop, shop, shop for Spring clothes! :P I can now actually say that I have enough clothes for this season (though it wouldn't hurt to get more! * wink *).
  • After 3 months of "Mcdo Abstinence", my taste buds welcomed Mr. Burger and Mrs. Fries once again! Halelooooyah!!! :P
  • Watched Spiderman 3!!!! I LOOOOVEEEE!!!! Most definitely will watch it again! :D
  • Celebrated 4th month during the 4th! <3xoxo
  • Forgot some other stuff na!!! Waah! Alzheimers(spell?)!!!

*****

I hate her! Ikaw! Ang layo layo ko na nga sayo ginagaya mo parin ako? Naman! It's not even cute! Imitation is definitely not a form of flattery, in your case it's a form of unoriginality! Ewan ko SAYO!!!





Image Hosting by Picoodle.com
|