image


Thursday, February 28, 2008--- ♥12:20 PM
iBored.



THE LETTER 'A'
What is your Age?
♥ 21. Read as twenTEEN-one, yo!
What Annoys you?
♥ This person (whom we'll conceal the identity) under the name, King.

THE LETTER 'B'
Do you live in a Big house?
♥ Well, our apartment IS inside a big building so technically... yes?
When is your Birthday?
♥ October 11!! =D

THE LETTER 'C'
What's your favorite Chocolate?
♥ Ferrero Rocher and Milka.

THE LETTER 'D'
Do you Daydream?
♥ Every minute, every second of the day.
What's your favorite kind of Dog?
♥ Poodles maybe? Or anything white and fluffy.
What Day of the week is it?
♥ Thursday. Why?

THE LETTER 'E'
Have you ever been in the Emergency room?
♥ Never, thank you Lord! =)
Have you had a crush dat starts w/letter E?
♥ Eman! Wahaha.. Wooh, ikaw may crush sakin eh! =P

THE LETTER 'F'
Favorite Flower?
♥ Tulips and daisies. =)

THE LETTER 'G'
Do you chew Gum?
♥ Yes, almost everyday.
Are you a Giver or a taker?
♥ Honestly, both. =)

THE LETTER 'H'
What's your Height?
♥ 5'6 or 5'7? Yey!
what color is your Hair?
♥ Brownish-black. Or blackish-brown.

THE LETTER 'I'
What's your favorite Ice cream?
♥ Cookies and Cream OR Ben&Jerry's PhishFood. YUMMMMMM!!!
Have you ever Ice skated?
♥ Thrice. Never liked it.
Do you play an Instrument?
♥ Flute.. Haha. Oh, and nag pianolessons ako nung bata. Haha. I wish I knew how to play the guitar or the drums though!

THE LETTER 'J'
What's your favorite Jelly bean?
♥ Those pink-colored ones.
Have you ever heard a really hilarious Joke?
♥ Yes. A lot. =) Want me to share em?? Hehe!
Do you wear Jewelry?
♥ Yes. Pearl earrings and a silverwatch are my staples.

THE LETTER 'K'
Who do you want to Kill?
♥ Si "King" parin. Haha.
Do you want Kids?
♥ Yup! 2-3!! Yey!
Where did you have Kindergarten?
♥ CSA! Woohoo!! Loyalty awardee to!

THE LETTER 'M'
Whats your favorite Movie?
♥ A lot! But if I were made to choose one, it would be any film with AdamSandler on it! =)
Jackie Chan or Jet Li movies?
♥ Neither. Or maybe Jackie.. But just cause I found him funny in Rush Hour 3.
Do you still watch disney Movies?
♥ YESYESYES!!! Guilty!
Do you like Mangoes?
♥ Yessss!!! FAVEEE!!!

THE LETTER 'N'
Do you have a Nickname?
♥ Yes, it actually starts with an N too,you know! =D
Whats your favorite Number?
♥ Dati __. Pero ngayon, wala, hindi na.
Do you prefer Night over day?
♥ Nights, hands down! Not a morning person, sorry.

THE LETTER 'O'
Whats your One wish?
♥ It's between me and my God. =)

THE LETTER 'P'
What's a Personality trait you look for in the opposite sex you like?
♥ I'm a sucker for funny guys. Waa.

THE LETTER 'Q'
Are you Quick to judge people?
♥ No naman. Fine, sometimes.

THE LETTER 'R'
Do you watch Reality tv?
♥ Yes, I love the drama eventhough Iknow it's scripted! Haha!

THE LETTER 'S'
Do you prefer sun or rain?
♥ Sun if I'm happy. Rain for emo days. Haha.
Do you like Snow?
♥ Before I came here, yes! Pero ngayon,ayoko na. Haha! I like snowflakes though! And playing with snowballs.
Season?
♥ Spring and Fall. =)

THE LETTER 'T'
What Time is it?
♥ 12:47 pm
What time did you wake up?.
♥ 7 am, I think. Huhu. I'm sleepy.

THE LETTER 'V'
Whats the worst veggie?
♥ Asparagus. Eek. Go check the color of your pee after eating it!
Where do you want to go on Vacation?
♥ Back home, Pinas.

THE LETTER 'W'
What's your Worst habit?
♥ Biting on my fingernails.

THE LETTER 'X'
Have you ever had an X-ray?
♥ Yes. Required nung application nung 1st year eh! =D
Do you own a xylophone?
♥ Nope. What a weird question ah!

THE LETTER 'Y'
Do you like the color yellow?
♥ Yes. =)
What Year were you born in?
♥ Nineteen eighty-six

THE LETTER 'Z'
Whats your Zodiac sign?
♥ Libra, love!
Do you believe in ZODIACS?
♥ Nope.


(I posted this on my Friendster bulletin board a few days ago with the title, "Missed my period." Ofcourse I didn't really miss my period.-- Infact I had it while I was answering this survey then.-- Bwahaha, info overload ba? Natawa lang ako kasi may mga nagmessage sakin nagtatanong kung buntis daw ba ako kasi nakita nila yung post ko. Wala lang, crazyyy!)

*Edited some answers: sa Friendster kasi naka private eh, friends ko lang talaga makakabasa. Eh pag dito public, baka mabasa (at sigurado akong babasahin) nung hindi dapat makabasa. Haha.

Kasi naman, I'm at my school's library right now (may Bio Seminar nga pala kami ngayon!) and I still have, hmm, roughly about an hour and a half before I have to leave for work. Magtatagalog ako ha kasi baka mabasa nung mga katabi, kalikod at kagilid ko tong sinusulat ko. Haha. Dapat naglulunch ako ngayon eh, kaso natamad nako kumain kasi nagbigay naman sila ng free breakfast kanina. Yum, bagel and cream cheese! Bwahaha. Pero sa totoo lang gutom na ko, nagtatago lang ako dito sa lib kasi ang kulit nung isa kong schoolmate. Classmate ko kasi siya last sem sa Psych101, eh tapos naging ka-table ko siya kanina. So parang unwritten rule na na dapat isabay/kasabay ko siya sa breaks namin kasi nga magkakilala kami diba? Eh ayoko siyang kasama kasi ang weird niya. Basta ewan, okay naman siya kaso ang weird nung mga topics na tinatanong niya sakin. Eh buntot siya ng buntot sakin. Kahapon pa siya eh! Buti nga kahapon sa ibang table ako kaya may iba nakong katabi kaya hindi siya nakalipat sa table namin. Eh kanina late ako dumating, eh yung mga late usually sa likod na umuupo. Eh per table 4 people and kasya, so isa nalang kulang sa table namin. Bigla ba namang dumating siya. Ayan tuloy naging ka-table ko siya. Hindi lang ka-table, katabi pa. Arg! Ewan ko ba, he's nice naman. Pero wala lang, irita lang ako sa mga tao ngayon. Haha. Kasi naman tama bang samahan ako pati sa restroom nung break? Kaya kanina ang ginawa ko, nagpretend akong naiwan ko yung cellphone ko sa CR, so kunwari ng panic-panican ako. Naglakad nako ng mabilis tapos sabi ko 'I'll see you later at the room" nalang. Wahaha. Edi hindi na siya nakahabol. Pero sayang hindi ko tuloy nakuha yung free lunch namin. Huhu. Oh well, at wala narin naman talaga akong balak bumalik sa afternoon session later kasi boring naman nung topics na dinidiscuss. Bahala na next week, hindi naman graded yung seminar ngayon tsaka naka sign nako sa attendance kaya okay na yun.

Anyways, sige ikikwento ko nalang yung nangyari sakin. Yun ngang stalker experience ko last week. Game? Haha.

So ayun nga, pauwi nako galing sa job ko. Ay hindi pala, actually pupunta muna akong Strawberry kasi ipapa exchange ko yung nabili kong top nung isang araw bago ako umuwi. Nasa bus stop na ko, ako lang mag-isa yung nagaantay tapos medyo madilim na. Yung bus stop na inaantayan ko, intersection yung kaharap niya. So ayun nga. May cab na nag busina sakin from across the street (Busina = Asking if gusto mo sumakay), so shinake ko yung head ko (meaning NO).

A few minutes after, may cab naman na pumara na sa harap ko tapos tinanong ulit ako kung gusto ko sumakay. Pero this time hindi na siya nagbusina, binaba na niya yung window niya sa passenger seat. Espanyol siya, kasi nung tinanong niya ko, may accent yung English niya. Remember yung bus stop kung nasan ako, nasa intersection, so kanina nandun siya sa kabilang lane, pero ngayon nandun na siya sa lane kung san papunta yung bus ko. Nun ko lang napag-connect na siya rin yung nagtanong sakin nung una. So ayun nga. Tinanong niya ko bakit daw hindi nalang ako mag-cab, wala daw ba akong pera? So ako naman naki-ride nalang. Sabi ko, oo wala nga akong pera, meron lang ako yung Metrocard (yun yung ginagamit dito pagsasakay ng bus or subway). Tapos tinanong niya ko kung ilang taon na ko. Kung 19 ba daw or 18? Dun ko na naisip na, ahh, iba na to, may ibang balak to. So hindi ko na siya sinagot. Tapos siguro nakita niyang asar nako, nagstop na siyang ngumisi. Tapos tinanong niya ko kung san daw ba ko pupunta. Sabi ko naman sa Steinway (yun yung name nung avenue kung san nandun yung store). Tapos sabi niya sige sakay nalang ako, libre na. Sabi ko, hindi, thank you nalang. Pero paulit ulit parin siya... Hangang may couple na palakad papunta samin, magaantay din ng bus. Medyo matanda na sila. Pagkadating nila nagdrive na ng dahan-dahan yung cab driver, akala ko paalis na siya pero hindi pala, tinigil niya yung kotse niya sa tapat ng isa sa mga restaurants malapit dun sa bus stop.


Wait, OMGosh, 1:30 na.. Kailangan ko na umalis! Haha!! Tutuloy ko nalang later or baka tomorrow, okie?? Sorry! =P

XOXO




Image Hosting by Picoodle.com
|